National News
Mga pulis na lalabag sa batas trapiko, dapat sampahan ng reklamo – PNP
Hindi abswelto ang mga pulis sa ipinatutupad na batas trapiko.
Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo matapos maaresto ang ilang pulis na walang opisyal na lakad pero dumaan sa EDSA bus lane.
Ayon kay Fajardo, tulad ng ordinaryong mamamayan ay dapat sumunod sa batas trapiko ang mga pulis.
Kasabay nito, hinimok ni Fajardo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sampahan ng reklamo ang mga pulis na lalabag sa batas trapiko.
Nabatid na maghahain ng reklamo ang MMDA sa PNP Directorate for Intelligence and Detective Management (DIDM) laban sa mga pulis na nahuli sa EDSA bus lane.