National News
Mga pulis na tutulong sa ICC, binalaan
Binalaan ng Pambansang Pulisya ang mga pulis na tutulong sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y drug war ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), posibleng mahaharap sa sanction ang sinumang pulis na lalabag sa polisiya na non-cooperation sa ICC.
Matatandaan na sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes na may mga opisyal ng PNP na nakikipag-ugnayan na sa ICC na pinabulaanan naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo.
Ani Fajarco, wala silang natanggap na impormasyon sa umano’y pakikipag-ugnayan ng ilang tauhan ng PNP sa ICC.
Kasabay nito ay nagbabala din ang Department of Justice (DOJ) sa mga opisyal o empleyado ng gobyerno na makikipagtulungan sa drug war investigation ng ICC sa bansa na posibleng masasampahan ang mga ito ng administrative charges o kaya ay masisibak sa puwesto.
