Connect with us

Mga pulis sa Davao, nagsagawa ng simulation exercises

Mga pulis sa Davao, nagsagawa ng simulation exercises

National News

Mga pulis sa Davao, nagsagawa ng simulation exercises

Ang bata-batalyong pulis na nakita sa Davao International Airport ay nagsasagawa lamang ng regular na simulation exercises, ayon kay PMaj. Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng PRO 11.

Nilinaw niya na walang kinalaman ang aktibidad sa anumang isyu at bahagi lamang ito ng mga regular na operasyon ng mga pulis na naka-assign sa airport.

Marami ang nag-isip na ang pagsasanay ay isang paghahanda para sa posibleng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), ngunit mariing itinanggi ng PRO 11 ang anumang kaugnayan nito sa mga balitang arrest warrant.

Tiniyak din ni Col. Randulf Tuaño, Chief ng PNP-PIO, na handa ang buong kapulisan para sa anumang posibleng mangyari kaugnay sa isyu ng pag-aresto, bagamat wala pang lumalabas na opisyal na kautusan mula sa ICC.

More in National News

Latest News

To Top