National News
Mga reservist, hindi nagagamit bilang ‘private army’
Nilinaw ng Philippine Army na wala silang reservists na nagagamit bilang ‘private army’.
Tugon ito sa mga paratang na ibinabato ng Philippine National Police (PNP) sa religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Mapapansing sinabi ng PNP na meron umanong reservists ang nasabing religious group na ginagamit bilang ‘private army’.
Sa isang exclusive interview ng SMNI News kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, sinabi nito na walang reservist ang KOJC.
Ang nasa listahan lang din nila na kabilang sa Philippine Army Affiliated Reserve Unit (PAARU) ay ang SMNI (Sonshine Media Network International).“I just want to clarify, SMNI is Philippine Army Affiliated Reserve Unit (PAARU) na tinatawag natin because of the capabilities ng SMNI Network.
Iba naman ito doon sa KOJC members. Not all KOJC members are employee ng SMNI, so, definitely hindi sila reservist. Hindi sila member ng reserve force unlike dun sa SMNI,” ani Dema-ala.
Binigyang-diin pa ng Army na hindi porke’t reservist ay otomatikong hahawak na ito ng armas. “Yes, they are not armed basically. Binibigyan natin sila ng orientation on the basic military training, (ngunit) hindi tayo nag-iisyu ng service firearms.
However, once ma-mobilized sila ng Philippine Army, doon palang sila magiging part and under control ng Philippine Army and depende doon sa mga ibibigay natin na task kung kinakailangang isyuhan natin sila ng service firearms. Doon palang natin magagamit.“
Dahil dito, wala aniya silang gagawing imbestigasyon laban sa KOJC at sa SMNI kaugnay sa naturang isyu dahil wala naman itong negatibong record at hindi rin nila ito maituturing na banta.
Sa huli, nananawagan na rin ang Philippine Army na huwag agad na paniwalaan ang mga balita na sumisira sa reputasyon ng mga sundalo ng bansa.