Connect with us

Mga sagabal sa ilang kalye sa Maynila, pinagtatanggal sa clearing ops ng MMDA

Mga sagabal sa lansangan, pinagtatanggal sa clearing ops ng MMDA

Metro News

Mga sagabal sa ilang kalye sa Maynila, pinagtatanggal sa clearing ops ng MMDA

Ngayong araw ng Miyerkules, muling nagkaroon ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) New Task Force Special Operations and Anti-Colorum unit sa ilang kalye sa lungsod ng Maynila.

Hakbang ito ng MMDA upang tiyaking malinis at walang sagabal sa lansangan.

Kasama ng MMDA sa operasyon ay ang lokal na pamahalaan ng Maynila, Philippine Ports Authority at iba pa upang isagawa ang naturang clearing operation.

May be an image of 3 people and road

Sa Arten Delpan sa Maynila, aabot sa higit 10 cargo trucks ang nasampolan dahil sa iligal na pagpaparakada.

Ayon kay Bong Nebrija, head ng Task Force Special Operations ng MMDA samu’t-saring reklamo na ang kanilang natanggap hinggil sa iligal na pagpaparada ng mga cargo truck.

Ani Nebrija, makikita na walang sinusunod na batas ang mga trailer kung kaya’t iligal na lamang itong nakaparada.

Sinabi naman ni Col. Billy Estrada, station commander ng Port Police Division ng Port of Manila, malaking pahirap ang ginawang iligal na pagpaparada ng mga trailer at tricyle.

Maliban diyan sa mga cargo truck, halos 100 tricycle rin ang hindi pinaglaspas ng MMDA.

More in Metro News

Latest News

To Top