Connect with us

Mga sakripisyo at dedikasyon ng mga guro sa bansa, kinilala sa World Teachers’ Day

Mga sakripisyo at dedikasyon ng mga guro sa bansa, kinilala sa World Teachers' Day

National News

Mga sakripisyo at dedikasyon ng mga guro sa bansa, kinilala sa World Teachers’ Day

Ipinaabot ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kaniyang pagmamahal sa mga guro ngayong World Teacher’s Day. Sa taunang selebrasyon ng Department of Education (DepEd), binigyang pugay nito ang mga guro at kinilala ang kanilang hindi matatawaran na sakripisyo at dedikasyon para sa mga kabataang Pilipino.

Pasasalamat at pagpupugay ang ipinapaabot ng pamahalaan sa ating mga guro na walang sawang nagbigay ng kanilang serbisyo para maiangat ang kalidad ng edukasyon ng bansa.

Hindi basta basta ang hinarap na hamon ng mga guro sa nagdaang taon nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ikiniwento ni teacher Rodina Torres, isang grade school teacher sa San Antonio Elementary School, ang hirap na kaniyang dinanas nang bumigay ang kaniyang katawan dahil sa pagod at stress dulot ng pandemya.

Naging malaking hamon din aniya ang pagtuturo dahil sa hirap na paghinga at pagkawala ng kaniyang boses nang nagpositibo siya sa COVID.

Sa gitna ng aming pag-uusap hindi na maitago ni teacher Rodina ang kaniyang emosyon.

Tiniiis at kinaya ni teacher Rodina ang mga hamon na kinaharap, maturuan lang aniya ang kaniyang mga estudyante.

Ang kaniyang lakas at inspirasyon ay ang ang makita ang kaniyang mga estudyante na makamit ang kanilang mga pangarap.

Ngayong araw, isa si teacher Rodina sa libu-libong mga guro na kinilala sa selebrasyon ng World Teachers’ Day.

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang taunang selebrasyon na ginanap sa Abra Sports Complex sa Bangued, Abra.

Ayon kay Vice President Duterte na pinili nila na bisitahin ang probinsya ng Abra sa  selebrasyon ngayon para ipakita ang suporta sa kanila matapos silang masalanta ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo.

Bukod pa ito aniya sa mga hamong kinakaharap ng mga guro.

“Sana yung celebration natin ngayon ay nakadala ng stress debriefing para sa inyo sa dami-dami ng pinagdadaanan ninyo. Mayroon pang problema sa eskwelahan. Mayroon pang problema sa personal na buhay, sa bahay at mayroon pang ibang problema sa mga relasyon natin sa iba’t ibang tao. Sana ngayong araw na ito mafeel ninyo na kayo ay napakahalaga sa ating bansa dahil nasa kamay ninyo ang kinabukasan ng ating bansa.” saad ni VP Sara Duterte

Binagyang halaga ng pangalawang pangulo ang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagpapaunlad ng bansa.

Aniya katuwang ng pamahalaan ang mga ito sa paghubog ng kabataang Pilipino para makamit ang kanilang mga pangarap.

“Gusto naming malaman ninyong lahat na mahal namin ang mga guro hindi lang ng department of education kundi lahat ng guro. Kahit sa private sector. Kahit mga retired na. Kahit yung mga susunod pa na guro na ngayon ay nasa higher education at ang kanilang intensiyon ay pumasok sa ating philippine education system para magturo ng ating mga learners.” dagdag pa ng Bise Presidente

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon si First Lady Atty. Liza Araneta Marcos at ipinaabot ang mensahe ng pasasalamat ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga guro na kaniyang itinuturing na dangal ng samabayang Pilipino.

“On behalf of my husband, he would like to convey his appreciation to all of you because you have remained steadfast in mentoring the learners. You have built their foundation and honed their skills. Please continue your unwavering service and commitment to the Filipino youth. As my husband says at the end of the day, ang mga guro natin ay ang dangal ng sambayanang Pilipino.”  saad pa ni First Lady Araneta Marcos

More in National News

Latest News

To Top