National News
Mga sasakyang panghimpapawid ng PNP, tigil-operasyon muna
Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang temporary grounding ng lahat ng sasakyang panghimpapawid.
Ito ay kasunod na rin ng insidente ng pagbagsak ng Bell 429 chopper na sinakyan ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa at ilan pang opisyal ng PNP sa Laguna kaninang umaga.
Ayon kay Acting PNP Spokesman MGen. Benigno Durana, isang standard procedure ito habang iniimbestigahan pa ang nangyaring aksidente.
Dagdag pa rito, sinabi ni Durana na posibleng dagdagan ang training ng mga piloto ng mga sasakyang panghimpapawid ng PNP, depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.
Paalis na sana si Gamboa at iba pang opisyal ng PNP matapos ang isinagawang inspeksyon sa impounding area ng Highway Patrol Group sa Laperal Compound, Barangay San Antonio, bayan ng San Pedro nang maganap ang insidente.
Sa kasalukuyan, nasa St. Lukes na si Gamboa, kasama si PNP Spokesman PBGen. Bernard Banac at iba pa habang kritikal naman ang dalawang police generals na naka-confine sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center sa Laguna.
