Connect with us

Mga scammer na gumagamit sa pangalan ng mga opisyal ng PNP, binalaan ng pulisya

Mga scammer na gumagamit sa pangalan ng mga opisyal ng PNP, binalaan ng pulisya

National News

Mga scammer na gumagamit sa pangalan ng mga opisyal ng PNP, binalaan ng pulisya

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang kanyang mga tauhan para sa mabilis na pagtugis sa mga natitira pang miyembro at grupo na tahasang ginagamit ang mga pangalan ng opisyal ng PNP para sa mga iligal na kalakaran.

Ito’y matapos na maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang suspek na umano’y gumagamit ng mismong pangalan ng PNP chief para mangolekta ng protection money sa mga establisyemento o negosyo na iligal na nag-ooperate sa Laguna, Batangas at Cavite.

Ang suspek ay kinilalang si Deanson Magsino alyas “Steve Andrew” na inaresto sa Sto. Tomas City, Batangas dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha ng mga operatiba ng CIDG ang isang caliber .45 pistol at isang magazine na may 7 bala nabatid na walang kaukulang permit ang nasabing baril.

Agad namang dinala ang suspek sa CIDG Regional Field Unit 4A Headquarters para sa dokumentasyon at disposisyon.

Naniniwala si General Marbil na tila naging tradisyon na ng mga kriminal na gamitin ang pangalan ng isang bagong PNP chief at iugnay ito sa mga krimen.

Bagay na hindi aniya ito dapat palampasin at dapat aniya may maparusahan dito para hindi pamarisan at masugpo na ang mga gawaing ito.

Nabatid na hindi lang naman ngayon ginamit ng mga kriminal ang pangalan ng mga opisyal ng PNP. May mga pagkakataon na ring nasaulaula ang uniporme’t logo ng Pambansang Pulisya nang gamitin ito sa iba’t ibang modus ng mga kriminal para makapanlinlang ng kapwa.

More in National News

Latest News

To Top