National News
Mga senador, kukuwestiyunin ang mababang 2024 proposed budget para sa DOH
Kwestiyunable para sa ilang mambabatas ang halaga ng itatapyas na pondo mula sa 2024 proposed budget ng Department of Health (DOH).
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, tinatayang aabot sa P10-B ang planong ibawas.
Aniya, kinakailangan pa rin ng DOH ang malaking pondo sa susunod na taon dahil bumabangon pa lang ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Recto, nakikita naman ang pangangailangan na ito sa ipinanukala na P20-B para lang sa public health emergency benefits ng health workers.
Kabilang sa mga senador na nangakong bubusiiin ang proposed national budget ng DOH ay sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senator Bong Revilla.
Tiniyak ng mga senador na sisikapin nilang mabago at madagdagan ang pondo ng DOH para sa 2024.
