Connect with us

Mga senador, nanawagan ng proteksyon para kay VP Sara Duterte

Tatlong senador ang naghayag ng pagkabahala sa political harrassment na naranasan ni Vice President Sara Duterte.

National News

Mga senador, nanawagan ng proteksyon para kay VP Sara Duterte

Tatlong senador ang naghayag ng pagkabahala sa political harrassment na naranasan ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal ng 75 PNP personnel na naka-assign sa Vice-Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na wala man lamang abiso.

Unang nanawagan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga dating personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na mag-volunteer bilang security escort ni VP Inday.

Ginawa ni Senator Bato ang panawagan sa kanyang social media account matapos maglabas ng open letter si Inday Sara laban kay Philippine National Police Chief General Rommel Marbil.

Sa liham ni VP Inday, tinawag nito na political harrassment ang ginawa sa kanya at binanggit rin niya na sinungaling si PNP Chief Marbil.

Ang ginawang panawagan ni Sen. Bato ay sinegundahan naman ni Senador Robin Padilla sa social media.

Hinangaan ni Padilla ang naging kilos ni Bato na dating PNP Chief pero mga dating rebelde naman ang hinikayat ni Padilla na mag volunteer na maging security escort ng bise presidente.

Sa post ni Padilla, “Nananawagan naman po ako sa lahat ng mga dating rebelde na mayroon ng mga tamang papeles ng pagsuko at amnestiya. Kayong may kaalaman sa penjak silat/kali/eskrima at handang suma ilalim sa pagsasanay,pagsusuri, clearances at approval ng opisina ng pangalawang pangulo.”

Nais ni Padilla na magpalista sa opisina ng pangalawang pangulo ang mga nagbalik loob na dating rebelde na may kaalaman sa martial arts.

Naniniwala si Padilla na isang karangalan na magsilbi sa leadership ni Duterte na dating vice-chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed conflict o NTF-ELCAC

Kaugnay nito ay pinaalalahanan naman ni Sendor Bong Go ang PNP na ‘wag maging selective at gawing tama ang kanilang trabaho.

Ang pulis ani Go ay dapat manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at hindi sa anumang political agenda.

Bukod kay VP Sara ay inamin din ni Sen. Bato at Go na tinanggalan sila ng security personnel mula sa PNP tatlong linggo na ang nakararaan.

 

More in National News

Latest News

To Top