Regional
Mga sugatang sundalo ng 6th ID, pinarangalan ng AFP
Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang 7 sugatang sundalo ng 6th Infantry Division (ID) dahil sa ipinakita nitong katapangan sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF)-Karialan Faction kahapon ng Miyerkules, Abril 24, sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Pinuri rin ni Gen. Brawner ang buong tropa ng 6th ID dahil sa hindi matatawarang dedikasyon at sakripisyo para sa seguridad at kapayapaan sa rehiyon.
Tiniyak din ni Gen. Brawner ang buong suporta ng AFP sa mga nasugatang sundalo at nangakong matatanggap nito ang medical care at assistance sa kanilang pagpapagaling.
Noong Lunes, Abril 22, napatay ng tropa ng 1st Brigade Combat team kasama ang 1st Scout Ranger Battalion ang mataas na lider ng BIFF-Karialan Faction matapos ang engkwentro sa Sitio Pendililang, Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
