National News
Mga sumukong presong napalaya, umabot na sa 130 – PNP
UMABOT na sa isandaan tatlumpu ang bilang ng mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa otoridad.
Ayon kay Philippine National Police Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, na mula sa nasabing bilang, nasa 25 rito ang naipadala na ng PNP sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon sa PNP, karamihan sa mga sumukong preso ay nahatulan sa kasong rape, murder at robbery extortion.
Una nang binigyan ng 15 araw na palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga napalayang preso dahil sa GCTA na boluntaryong sumuko o ipatutupad ang warrantless arrest at shoot to kill order.
