Connect with us

Mga sundalo mula sa 80IB, pinarangalan

Mga sundalo mula sa 80IB, pinarangalan

Regional

Mga sundalo mula sa 80IB, pinarangalan

Isinagawa ng 80th Infantry Battalion (IB) ang Donning of Ranks sa mga sundalong umangat ang rango kasabay nito ang paggawad ng parangal sa mga magreretirong sundalo na ginanap sa himpilan ng 80IB sa Sitio Galaxy, Barangay Pinugay, Baras, Rizal.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng commanding officer ng 80IB na si Lt. Col. Mark Antony U. Ruby, kasama sina Maj. Alejandro M Oriña Jr., ang Battalion Executive Officer at MSg. Gener G. Flores, Battalion Sergeant Major.

Ito ay bilang bahagi ng tradisyon sa hanay ng kasundaluhan para sa pagkilala sa mga kakayahan na naiambag ng bawat sundalo sa pagtupad sa mga tungkuling iniatas at tungkuling paglingkuran at ipagtanggol ang mamamayan laban sa pagsasamantala at karahasang ginagawa ng mga miyembro ng teroristang NPA sa ating bansa.

Ito rin ay nagpapataas ng moral ng bawat sundalo at nagsisilbing inspirasyon para sa iba pang mga kasundaluhan upang itaas ang pagnanais na maglingkod nang tapat at maayos.

Hinikayat ni Lt. Col. Ruby ang mga bagong promote na mga steadfast troopers na ipagpatuloy ang mahusay na serbisyo at paglilingkod sa bayan.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top