Connect with us

Mga sundalong mauugnay sa moonlighting activities, binalaan ng AFP

Mga sundalong mauugnay sa moonlighting activities, binalaan ng AFP

National News

Mga sundalong mauugnay sa moonlighting activities, binalaan ng AFP

Hindi makakalusot sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sinumang tauhan nito na masasangkot sa moonlighting activities na mahigpit nilang ipinagbabawal.

Ito ang sinabi ng AFP makaraang masangkot ang isang dating miyembro ng Intelligence Service Unit sa nabanggit na aktibidad at maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Parañaque City kamakailan.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, dapat tumimo sa isip ng mga sundalo ang pagiging propesyunal.

Isa pa, alam din naman aniya nila na bawal ang ‘umekstra’ o ‘sumide-line’ lalo’t hindi ito naaayon o nakalinya sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“Yung mga ganitong moonlighting activities ay hindi natin pinapayagan. Kapag napatunayan na mayroon tayong ganoon sa ating hanay, of course, ‘yung necessary disciplinary actions accordingly,” ayon kay Col. Francel Margareth Padilla.

Giit pa ni Padilla, tanging ang commander in chief at pamilya nito ang binibigyan nila ng VIP security o escort sa pamamagitan ng kanilang Presidential Security Group (PSG).

Kaya naman, nagbabala si Padilla sa mga sundalo na masasangkot sa moonlighting activities na mahaharap ang mga ito sa kaukulang parusa.

Sa panig naman ng PNP, gusto nitong alisin ang regulasyon sa pagbibigay ng security escorts sa mga VIP.

Dapat daw kasi ay mga indibidwal lang na may tiyak o direktang banta sa kanilang seguridad at buhay ang binibigyan ng escort o VIP security.

“We come up with latest naming memorandum. I spoke to TCDS hindi puwede magkaroon ng escort, gagamitin mo ‘yung escort na laging ginagamit nila ‘yung naka assign sa mobile forces, regional mobile forces, provincial mobile forces, usually ‘yun ang ginagamit nila sa mga VIPs. VIPs ang term natin dati, ngayon wala na po tayong term na VIP only with high threat at medium threat coming from PSPG lang pwedeng magbigay ng security but it is always based on the threat assessment of the directorate for intelligence,” ayon naman kay PNP, Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil.

Sa kabilang banda, patuloy ang pag-imbestiga ng PNP sa isang pulis at sundalo na nahuling nagmu-moonlighting o suma-sideline bilang escorts ng isang hindi pa pinapangalanang indibidwal.

More in National News

Latest News

To Top