Connect with us

Mga sundalong reservist sa Baras, Rizal, sumailalim sa 2 araw na pagsasanay

Mga sundalong reservist sa Baras, Rizal, sumailalim sa 2 araw na pagsasanay

National News

Mga sundalong reservist sa Baras, Rizal, sumailalim sa 2 araw na pagsasanay

Naging matagumpay ang 2 araw na pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines Reserve Command (AFPRESCOM) ng 80th Infantry Batallion sa kanilang headquarters sa Sitio Galaxy, Brgy Pinugay, Baras, Rizal  na pinangunahan ni Retired Army Brigadier General Ronald R. Rodil.

No description available. Open photo Open photo

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kakayahan at kasanayan ng mga miyembro ng AFPRESCOM sa pagsasagawa ng tactical operation, paggamit ng baril o marksmanship at leadership development.

Ayon kay Brigadier Gen. Rodil, ang pagsasanay ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa at determinasyon na maging handa sa lahat ng pagkakataon.

Nagpasalamat naman si 80th IB Commanding Officer LtCol Mark Antony U. Ruby sa ipinakitang propesyonalismo, bolunterismo at pagmamahal sa bayan ng mga sundalong reservist.

Nagbigay pugay din ang opisyal  sa lahat ng nakiisa at lumahok kasabay ng pagpapa-abot ng pasasalamat sa kanilang sakripisyo at dedikasyon.

More in National News

Latest News

To Top