Connect with us

Mga supporters ni BuCor Chief Bantag, nagpakita ng suporta

Mga supporters ni BuCor Chief Bantag, nagpakita ng suporta

National News

Mga supporters ni BuCor Chief Bantag, nagpakita ng suporta

Nagdaos ng tribal dance sa harap ng Department of Justice (DOJ) ang ilang mga taga-suporta ni suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Ito ay kasabay ng pagdaraos ng unang preliminary investigation sa double murder complaint na kinakaharap ni Bantag pero ni-reset ang pagdinig dahil mali ang middle name na nakasulat sa subpoena.

Iginiit ng mga supporters na hindi sila naniniwalang magagawa ni Bantag na mag-utos ng pagpatay dahil si Bantag anila ay relihiyoso at may takot sa Diyos na mahigpit na itinuturo sa kanilang kultura bilang mga Igorot.

Sinabi ng mga supporters na kabilang sa lumuwas dito sa Maynila ay mga kasamahan nila mula pa sa Cordillera, Baguio City, Ifugao Province, Benguet, Kalinga, Bontoc at maging mga tiga-Cebu.

Iginiit pa ng grupo na hindi nagtatago si Bantag katunayan ay dumalo pa anya ito sa kanilang candle lighting prayer vigil sa Baguio City nitong nakalipas na linggo.

More in National News

Latest News

To Top