Connect with us

Mga suspek sa Degamo killing na bumaligtad, nadagdagan pa

Mga suspek sa Degamo killing na bumaligtad, nadagdagan pa

National News

Mga suspek sa Degamo killing na bumaligtad, nadagdagan pa

Umabot na sa 4 na mga suspek sa Degamo killing ang bumawi sa kanilang mga pahayag sa mga nauna nilang affidavit.

Ito ang kinumpirma ng abogado ng 3 iba pang suspek na si Atty. Danny Villanueva na nagpasa na sila ng affidavit of recantation via online sa Department of Justice (DOJ).

Nais aniya nina Rommel Pattaguan, Rogelio Antipolo Jr. at Dhaniel Lora na wala talaga silang kinalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa mga nadamay na sibilyan.

Iginiit ni Atty. Villanueva na hindi kusang loob ang ginawang naunang salaysay ng 3 dahil tinakot sila na gawin iyon.

Sinabihan rin umano sina Pattaguan, Antipolo at Lora na hindi sila isasabit sa kaso o kung isama man ay magaan lamang ang parusa kaya hindi umano malalagay sa panganib ang kanilang pamilya at magiging payapa ang buhay kung susunod sa mga ipinag-uutos.

Iginiit pa ni Atty. Villanueva, naghain na rin sila ng mosyon para isailalim sa medikal ang kaniyang mga kliyente lalo na’t unang umamin si Jhudiel Rivero na tinorture at pinilit lamang siya ng pulisya na ituro si Congressman Arnolfo Teves Jr. na siyang nag-utos na patayin si Degamo.

Si Rivero ang isa sa mga suspek na unang nagbaligtad ng salaysay hinggil sa partisipasyon nito sa Degamo killing.

More in National News

Latest News

To Top