Connect with us

Mga suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, naaresto na ng mga awtoridad

Mga suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, naaresto na ng mga awtoridad

National News

Mga suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, naaresto na ng mga awtoridad

Arestado na ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, kilala rin bilang Anton Tan, na iniulat na nawawala noong Marso 29, 2025.

Kasalukuyang hawak na ng pulisya ang mga pangunahing suspek sa krimen na sina David Tan Liao alyas Xiao Chang at Michael Yung, kapwa Chinese nationals.

Naaresto rin ang kanilang mga kasabwat na Pilipino na sina Raymart Catequista at Richard Tan Garcia alyas Ricardo Austria David sa Roxas, Palawan noong Abril 18.

Samantala, inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na malapit na nitong pangalanan ang itinuturong “mastermind” o utak sa pagdukot at pagpatay kay Que at sa kaniyang driver.

Hinihintay na lamang ang pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek.

Nanindigan ang PNP na ang insidente ay hindi isang kaso ng kidnap-for-ransom kundi isang planadong kidnap-for-hire operation.

More in National News

Latest News

To Top