Connect with us

Mga susuway sa enhanced community quarantine, dapat ikulong – IATF Chief Sec Galvez

Mga susuway sa enhanced community quarantine, dapat ikulong - IATF Chief Sec Galvez

Regional

Mga susuway sa enhanced community quarantine, dapat ikulong – IATF Chief Sec Galvez

Tinitiyak ng Inter-Agency Task Force (I-ATF) na mananagot ang lahat nang magsasagawa ng kilos-protesta dahil isang paglabag ito sa batas naa ipinatutupad sa enhanced community quarantine.

Isa isang panayam ng Sonshine Radio kay I-ATF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang nasabing hakbang ay alinsunod sa nangyaring kilos-protesta ng mga residente sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

“Nag-violate sila ng law eh. Sobrang tigas ng ulo nila. naka-quarantine po tayo eh.”

“They are placing the people in danger by exposing themselves in public. Nakita naman natin ang ano natin, ‘stay at home. Magho-home quarantine tayo for one month hanggang April 14 – ‘yan ang directive; and then sumuway po tayo sa national directive eh.”

Dinadaing umano ng mga residente sa lugar ang kawalan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan nito.

Ani Galvez, hindi ikokonsidera ng pulisya ang rason na ito dahil nilabag ng mga residente ang stay-at-home policy ng enhanced community quarantine.

“Matigas talaga ang mga ulo nito kaya dapat maikulong po talaga,” pagsasaad ni Galvez.

More in Regional

Latest News

To Top