Connect with us

Mga taga Maasin, Leyte lubos ang pasasalamat sa tulong na natanggap mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga taga Maasin, Leyte lubos ang pasasalamat sa tulong na natanggap mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Mga taga Maasin, Leyte lubos ang pasasalamat sa tulong na natanggap mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Ang dating berdeng lugar ng Brgy. Combado Maasin Leyte, ay mukha na ngayon ng kalunos-lunos na pagkakalbo at walang buhay.

Matapos na padapain ang halos lahat ng mga sakahan, pananim at mga bahay mula sa mga barangay hanggang sa kabundukan.

No description available.

Isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa bansa, tila nag-iwan ito ng matinding sugat sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Bukod sa Siargao, sa Mindanao na lubhang naapektuhan ng bagyo, isa rin ang Southern Leyte sa hindi nakaligtas sa lupit ng pananalasa ng bagyo.

No description available.

Sa aming pagbisita sa Maasin City sa Leyte, nakilala namin si Jean Marvy Delfin, residente ng Brgy. Combado mula sa nasabing lungsod.

Sa kwento niya sa amin, isa lamang siya at ng kanyang pamilya sa maraming residente sa brgy. na hindi pinalagpas ng unos ngayong pasko at magbabagong tao dahil sa pagdating ni bagyong Odette sa kanilang lugar

Batay sa kanyang salaysay, sino ba naman ang makakaligtas sa malakas na hangin na may kasamang pag uulan kung sa tuktok ka ng bundok nakatira

Upang makita kung paano pinadapa ng bagyong Odette ang kanilang munting tirahan, inakyat namin mula sa paanan ng barangay hanggang sa tuktok ng bundok.

Isa lamang ito sa maraming kwento ng kapighatian at panghihinayang sa mga taga Maasin Leyte dahil sa hindi inaasahang pagbayo ng kapagsubukan sa kanilang buhay lalo pa’t itinaon ito sa pagdiriwang ng kapaskuhan at nalalapit na pagsalubong ng bagong taon.

Kaya naman, upang ibsan ang pighati at kalungkutan ng mga biktima ng baguong Odette sa lugar, agad na nagpadala ng tulong si Pastor Apollo C. Quiboloy, ng The Kingdom of Jesus Christ.

No description available.

 

Umaga pa lang nang pamimigay ng regalo ni Pastor Apollo sa mga taga Maasin, masaya na ring tumulong ang ilang residente sa pagbuhat at pag-aayos ng mga regalo na handog para sa kanila.

No description available.

 

Samantala, hindi naman alintana ng marami ang bigat ng kanilang dalang regalo mula kay Pastor Apollo.

 

No description available.

Abot langit ang pasasalamat ng lahat sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng butihing pastor.

Samantala, dahil sa nasaksihan ng marami ang naglalakihang regalo para sa mga biktima ng bagyo, mismong ang lokal na pamahalaan na ang nagpatunay sa pagiging isang tunay na anak ng diyos ni Pastor Apollo dahil sa laki ng pag ibig nito sa tao.

No description available.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maasin, sisikapin nilang bumango mula sa kalamidad at sa tulong ng mga kagaya ni Pastor Apollo, malaking bagay anila ito sa unti unting pagsisimula ng kanilang nasasakupan

Bukod sa pagpapasalamat ng barangay, patuloy rin ang panawagan nila sa gobyerno na tugunan pa rin ang iba pang pangangailangan ng kanilang mga kababayang lubhang naapektuhan ng pagtama ng bagyong Odette sa bansa.

 

 

More in National News

Latest News

To Top