National News
Mga tatakbong senador sa 2025, nag-anunsyo na
Magsisimula na ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre para sa mga gustong kumandidato sa nalalapit na midterm election.
Kaya naman sunod-sunod na ang official announcements ng iba’t ibang political parties para sa kanilang official senatorial ticket sa 2025.
Kabilang dito ang Partido Demokratiko Pilipino o PDP na nagdaos ng kanilang National Assembly nitong nakaraang Byernes, Setyembre 20,2024.
Sa anunsyo ng chairman ng partido na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, pormal nang pinangalanan si Senator Christopher “Bong” Go bilang isa sa mga pambato sa susunod na taon.
Tinawag ng dating Pangulo na “Honest” si Senator Bong Go at tiniyak na “hindi lugi” ang publiko kung mabibigyan ang Senador ng ikalawang termino.
Saad naman ni Sen. Go, “God Willing kung gusto pa ng Panginoon na makapag serbisyo pa kami, ipagpapatukloy namin yung gobyerno na may tapang at malasakit sa kapwa Pilipino.”
Ayon kay Sen. Bato at Philip Salvador, patuloy nilang paglilingkuran ang mga Pilipino sa gitna ng kanyang dinadanas na political persecution.
Ani Philip Salvador, “Eh kung ako po ay matatakot sa pambabatikos nila ay hidni po ako PDP. Ako po ay PDP. Tinatanggap ko po ang aking nominasyon.”
“Even before the recent development I have already decided to run for re-election. Lalong-lalo na ngayon na araw-araw akong minemention sa quadcom sa house of reprsentatives. Araw araw na binubugbug tayo. Hindi ako papayag na bugbugin tayo. lalaban tayo,” ayon naman kay Sen. Bato.
Sa parehong araw ay inendurso din ng partidong LAKAS-Christian-Muslim-Democrats si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang kanilang official senatorial candidate sa 2025 midterm elections.
Si Revilla ay miyembro na nang LAKAS-CMD sa loob ng tatlumpung taon. Ito ay mula sa kanyang pag-upo bilang vice-governor ng Cavite hanggang sa maging senador siya.
Sa Nacionalista Party naman ay inilahad ni Senadora Cynthia Villar na tatakbo sa pagka senador si Congresswoman Camille Villar kasama ang dalawang re-electionist na sina Sen. Pia Cayetano at Sen. Imee Marcos.
Inaasahan naman na magbabalik sa Senado ang mga dating senador na sina Ping Lacson ng Partido Reporma, Francis “Kiko” Pangilinan ng Liberal Party, Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition, at Bam Aquino ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipipino.
Si dating Senador Manny Paquiao, Sec. Benhur Abalos, Cong. Erwin Tulfo, Mayor Abby Binay, at Lito Lapid ay inaasahan naman na magiging bahagi ng senatorial slate ng administrasyong Marcos.