National News
Mga tauhan ng PCG District Southern Tagalog, sumailalim sa VIP training
Sumailalim sa VIP Protection Course ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Southern Tagalog sa Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Isinagawa ang pagsasanay mula Nobyembre 16 hanggang 19, 2022 na nilahukan ng 42 coast guard officers at personnel.

PHOTO COURTESY: PCG

PHOTO COURTESY: PCG
Ayon kay District Commander, Commodore Inocencio Rosario Jr., layunin nitong mas maitaas ang kaalaman at kasanayan ng kanilang mga tauhan sa pagbibigay proteksyon sa mga vert important personalities.
Layunin din aniya ng pagsasanay na masiguro ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali ng mga PCG personnel bilang public safety officers sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga high government officials, foreign dignitaries at iba pang VIPs.

PHOTO COURTESY: PCG
