Connect with us

Mga tax violation ng ABS-CBN holdings, inungkat sa Kamara

Inusisa ang ABS-CBN holdings ni Cavite Representative at CPA Lawyer "Pidi" Barzaga kung nagbabayad ng tamang buwis sa pagbebenta ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ng kumpanya.

National News

Mga tax violation ng ABS-CBN holdings, inungkat sa Kamara

Inusisa ang ABS-CBN holdings ni Cavite Representative at CPA Lawyer “Pidi” Barzaga kung nagbabayad ng tamang buwis sa pagbebenta ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ng kumpanya.

Sa ginawang hearing sa Kamara, napag- alaman na hindi nagbabayad ng buwis dahil walang cash income ang ABS-CBN holdings.

Ito ay sa kabila ng bilyon-bilyong pisong halaga ng mga shares of stock na ibinebenta ng kumpanya.

Ayon kay Barzaga, mahigit sa 298 million ang na isyung PDRs ng kumpanya at nagkakahalaga sa P46 kada isa ang halaga ng bawat PDR kaya nasa P13 Billion ang halaga ng mga share of stocks ng ABS- CBN.

Naungkat rin ang isyu ng tax avoidance ng ABS-CBN sa ilalim ng Big Dipper Digital Content and Design Inc. na isang subsidiary ng kumpanya.

Ang Big Dipper ay tax and duty free sa pag-iimport ng mga digitization equipment dahil accredited ito ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Paliwanag ng kumpanya, ginagamit nila ang mga hardware equipment ng Big Dipper subalit hindi nila pagmamay-ari ang kumpanya sa halip ay costumer lamang sila nito.

Magugunita naman na unang inusisa rin ang isyu na tax shield din ng kumpanya ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bagay na itinanggi ng kumpanya.

Nanindigan din ang kumpanya na tama ang binayaran nilang buwis at wala itong record sa Bureau of Internal Revenue(BIR).

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top