Connect with us

Mga terorista sa bansa, hindi nakaporma kay Pang. Duterte sa loob ng 6 na taon

Aminado ang pamahalaan sa lawak ng hamon ng kapayapaan sa bansa bago ang pagpasok ni Pangulong Rodrigo Duterte

National News

Mga terorista sa bansa, hindi nakaporma kay Pang. Duterte sa loob ng 6 na taon

Aminado ang pamahalaan sa lawak ng hamon ng kapayapaan sa bansa bago ang pagpasok ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kaliwat-kanang problema sa insurhensiya at pang-aabuso ang naabutan nito mula sa mga kamay ng mga komunista at lokal na terorista sa bansa.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isa lamang aniya ito sa napakaraming suliranin ng Pilipinas sa larangan ng seguridad at katahimikan ng mamamayang Pilipino

Pero sa loob aniya ng 6 na taong pamamahala ni Pangulong Duterte, hindi kaila sa lahat ang unti-unting pagbabago ng antas ng seguridad at kapasidad ng bansa pagdating sa usapin ng pambansang depensa mula sa nais pabagsakin ang gobyerno.

Mula sa nasabing pinalakas na sandatahang lakas ng Pilipinas, nakatulong ito sa mas pinalakas rin na depensa nito laban sa mga elemento ng terorismo at komunismo sa bansa gaya ng ISIS, Abu Sayyaf, Bangsamoro Freedom Fighters at Dawla Islamiyah.

Hindi rin pinalagpas ng AFP ang agresibong operasyon nito laban sa 5 dekada nang salot ng lipunan ang CPP-NPA-NDF.

Marahil, isa sa mga pinamakalupit na karanasan ng mga sundalo at inosenteng mamamayan ang naganap na Marawi siege nong 2017, pero dahil aniya sa tapang at tatag ng ating mga kasundaluhan ay nagawa nitong maagaw ang kalayaan ng mga residente ng Marawi mula sa kamay ng mga terorista.

Sa huli, isa rin ayon sa kalihim sa mga magagandang nagawa ni Pangulong Duterte nang lagdaan nito ang Anti-Terrorism Act of 2020 na naglalayong tugisin at papanagutin ang mga terorista sa Pilipinas habang hindi naman isinasantabi ang pangangalaga sa seguridad ng mamamayan laban sa terorismo.

More in National News

Latest News

To Top