International News
Mga testigo vs KJC Administrators sa Los Angeles, nagsisinungaling – KJC Legal Counsel
Nagsisinungaling ang mga iniharap na testigo kaugnay sa isinampang human trafficking at immigration fraud cases laban sa tatlong administrator ng the Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles.
Ito ay ayon Atty. Michael Jay Green ang Chief legal counsel ng the Kingdom of Jesus Christ sa isang pahayag.
Ani Atty Green, may mga ebidensiya at testigo silang hawak na magpapatunay na kasinungalingan ang mga impormasyon na sinabi ng mga umaakusa sa tatlong KJC administrators sa Federal Bureau of Investigation.
“The team of lawyers defending the three administrators of the Kingdom of Jesus Christ led by myself is presently in possession of evidence that witnesses to the human trafficking and immigration fraud charges against three Kingdom of Jesus Christ administrators in Los Angeles were lying about many things to the FBI, Immigration and many other agencies to support their claims. The witnesses are former church workers of the Kingdom of Jesus Christ, who left the fold,” ani Atty. Green.
Dagdag din ni Atty. Green na ang mga testigong ito ay mga dating kasamahan din na umalis sa simbahan.
Ipinunto din ni Atty. Green na nais lang ipakita ng mga umaakusa sa mga KJC administrators ang isang ilusyon na dindala ng simbahan sa Estados Unidos ang mga church workers sa pangakong bibigyan sila ng career sa music pero pipiliting pagtatrabahuin bilang mga alipin na nanghihingi ng pera.
Binigyan diin ni Atty Green na itong mga dating church workers ay alam na mula’t sa simula pa walang ibang layunin ang KJC kundi ang tumulong sa mga nangangailangan sa buong mundo pero nang makarating sila sa Amerika ay biglang aakusahan ang KJC na nanloloko lamang.
“These dissident workers knew in the beginning the goal was to help people around the world and they signed up for that voluntarily. So now when they got to the US, what they are saying is it was all phony,” dagdag ng batikang abogado.
Una nang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ na haharapin ng KJC ang lahat ng legal accusation sa korte at papatunayang na mali ang mga ipinupukol laban sa kaniya at sa mga miyembro nito.