Connect with us

Mga totoong kriminal, dapat tutukan ng PNP imbis ang KOJC

Mga totoong kriminal, dapat tutukan ng PNP imbis ang KOJC

National News

Mga totoong kriminal, dapat tutukan ng PNP imbis ang KOJC

Walang dahilan para muling lumusob ang mga armadong kapulisan sa religious compounds ng the Kingdom of Jesus Christ.

Ayon sa mga personal na nakakita at nakapasok sa loob ng nasabing compound gaya ng anchors ng programang Banateros sa SMNI, tahimik at payapang namumuhay ang mga misyonaryo sa naturang lugar.

Sa pahayag ng vlogger na si Master Judea, “Kaming mga Banateros ay pabalik-balik na po kami dito sa KOJC compound, dito sa loob ng Kingdom. Ilang beses na po kami nakabalik dito at noong isang araw po, noong isang madaling araw, nag-ikot po kami dito sa buong compound kasama ng mga member ng KOJC. Nag-ikot po kami lahat sa buong compound at wala po kami nakita na kahina-hinala. Wala kami nakita na droga, wala kami nakita na baril o anything na lalabag sa batas ng Pilipinas, sa batas natin, o magiging dahilan para pasukin nila itong Kingdom of Jesus Christ.”

 

Ang vlogger rin na si Boss Dada, ibinahagi ang karanasan niya sa pananatili sa KOJC compound para makiisa sa pagbabantay dito kasama ang mga misyonaryo.“Sa ilang araw na nandito ako sa compound, dahil nga merong mga intel na (nagsasabi) susugod silang (PNP) muli dito, akala ko buo na ang loob ko pero gabi-gabi, nagbabantay at nag-aantay dito, sobrang pressured ako. Paano pa kaya itong mga taga-KOJC na since June 10, naranasan nila at araw-araw na may mga ganyan, jogging-jogging diyan sa labas ng mga naka-full-battle gear.”

 

Dahil dito, sabi pa ni Boss Dada, mas marami pa ang mga kriminal sa labas na pakalat-kalat at mas mainam na ito ang tutukan ng Philippine National Police (PNP) sa halip na ang mga matitinong taga-KOJC.

 

“Hindi ko talaga maintindihan kung gaano katatapang itong mga ito (taga-KOJC) kasi nakangiti pa sila. Samantalang kami, kahit na umuwi na kami sa hotel namin sa umaga, hindi pa rin kami makatulog kasi ramdam na ramdam mo na anytime, pwedeng mangyari.

Sa aming mga taga-labas, talagang hindi namin ma-explain yung pakiramdam. Sa aming mga laki sa gulo, hindi namin ma-explain yung pakiramdam lalo pa kaya itong mga ito na walang ginawa dito sa loob kundi magdasal at gumanap lang sa kanilang mga tungkulin.

Kaya sa mga kapulisan, maawa po tayo. Marami pong kriminal na mas deserve nila ang atensyon ninyo. Mababait po yung mga nandirito (sa loob ng KOJC),” ani Boss Dada.

 

Para naman sa isa pang vlogger na si Coach Oli, malaking abala, perwisyo at trauma sa mga bata ang idinulot ng mga kapulisan simula pa nang una itong lumusob noong Hunyo 10. “Huwag niyong idamay ang mga bata kasi tatandaan po natin, itong compound na ito ay tahanan. Ito po ay kanilang tirahan at maraming bata ang nakatira dito. So, magkaroon man lang kayo ng konsensya.

Kung meron kayong gustong hulihin, gawin nyo sa tamang paraan pero nakakaabala na kayo. Merong namatay na dalawa, ni hindi nyo dinalaw, ni hindi nyo kinamusta ang pamilya. Meron kayong mga tinutukan ng baril, ginapos, tapos kinuha ninyo mga cellphone para hindi sila makapag-video. ‘Yan ba ay nasa batas? Akala ko ba ang batas ay batas. Nakaka-trauma po yan sa mga bata. Lagi nyo pong iisipin kung sa mga anak ninyo mangyayari ‘yan.”

 

More in National News

Latest News

To Top