Connect with us

Mga tradisyon bago at pagkatapos ng panunumpa ng bagong pangulo

Mga tradisyon bago at pagkatapos ng panunumpa ng bagong pangulo

National News

Mga tradisyon bago at pagkatapos ng panunumpa ng bagong pangulo

Asahan na dadaan muna ng Malakanyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bago siya tutungo sa National Museum of the Philippines upang manumpa bilang ika-labing pitong Presidente ng Pilipinas.

June 30, 2016 naluklok sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte. Matapos ang 6 na taong panunungkulan ay bababa na siya sa pwesto ngayong araw ng Huwebes ika-30 ng Hunyo 2022.

Papalit sa kanya si President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Sa makasaysayang araw na ito, bago tutungo sa National Museum, ang napiling venue para sa panunumpa ni BBM, ay dadaan muna si BBM sa Malakanyang ngayong umaga.

Bilang bahagi ng tradisyon, ang incoming president ay mag co-courtesy call muna sa outgoing na pangulo.

Inaasahan na pipirma muna si BBM sa guestbook ng Malakanyang bilang huling bisita ni Pangulong Duterte at sila ay magkakaroon ng maiksing pag-uusap.

Kung susundin ang tradisyon ay sabay naman na bababa sa main staircase ng Malakanyang ang outgoing at incoming president.

Bilang pamamaalam ay haharap naman ang outgoing president sa tropa ng militar kung saan siya ay bibigyan ng military honor sa huling pagkakataon.

Pagkatapos nito ay inaasahan na tutungo ang dalawa sa National Museum of the Philippines para sa inagurasyon ng magiging bagong pangulo.

Babalik naman ang bagong pangulo sa Malakanyang.

Matapos ang ilang photo ops ay aakyat na sa main staircase si BBM bilang simbolo sa kanyang pag-akyat sa puwesto bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa parehong araw ay inaasahan na isasagawa ang unang cabinet meeting ng pangulo, pero ito ay bago sila makapanumpa sa kanilang tungkulin sa harap ng presidente.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang ibang hangad kundi maging matagumpay si BBM sa kanyang bagong tungkulin.

Una namang siniguro ng president-elect na kanyang ipagpapatuloy ang mga magagandang programa ng Administrayong Duterte.

Ang mga nabanggit ay tradisyon lamang kung kaya’t abangan mamaya kung magkakaroon pa ba ito ng pagbabago.

More in National News

Latest News

To Top