Connect with us

Mga tricycle sa lungsod ng Pasig City, pansamantalang papayagang bumiyahe

https://dzar1026.ph/hotel-sa-pasig-city-ginawang-quarantine-facility/

Metro News

Mga tricycle sa lungsod ng Pasig City, pansamantalang papayagang bumiyahe

Papayagan muna ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang pag-operate ng mga tricycle sa lungsod sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa Twitter post ni Mayor Vico Sotto, sinabi nito na batay sa kanilang risk assessment ay hindi maaring i-ban ang tricycle sa ngayon dahil hindi sapat ang kanilang mga sasakyan.

Aniya, kailangan ang tricycle para sa pagpasok sa trabaho ng mga health workers at may ilang emergency rin aniya na tanging maabot lamang ng tricycle.

Sinabi ni Sotto na maglalabas ang Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) ng pasig ng guidelines kaugnay sa pansamantalang pag-operate ng mga tricycle.

Kabilang aniya dito ang paglimita sa bilang ng pasahero bunsod ng ipinatutupad na social distancing at maaari lamang magsakay ng pasaherong exempted sa quarantine.

More in Metro News

Latest News

To Top