National News
Mga undersecretary ng DFA, pinangalanan na
Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang dating Philippine Ambassador ng Chile na si Ma.Teresita Daza ay itinalaga ni Secretary Enrique A. Manalo bilang bagong tagapagsalita ng kagawaran.
Si Daza ay isang beteranong career diplomat na maraming karanasan sa kanyang posisyon.
Kamakailan ay nagsilbi siya bilang Ambassador ng Pilipinas sa Chile, kung saan kabilang sa kanyang saklaw o hurisdiksyon ay ang Republika ng Ecuador at Peru.
Bukod pa rito, siya rin ay naging Ambassador ng Pilipinas sa India, na may kasabay na hurisdiksyon sa Nepal, at nagsilbi bilang Chargé d’ Affaires, A.I. at Deputy Permanent Representative sa Permanent Mission of the Philippines to ASEAN sa Jakarta.
Matatandaang 4 na taon na ang nakalipas mula nang huling magtalaga ng isang tagapagsalita ang isang DFA Secretary.
Habang 18 taon mula noong huling magkaroon ng babaeng tagapagsalita sa kagawaran.
Samantala bukod kay Daza, itinalaga din ni Sec.Manalo si acting Undersecretary Ma. Theresa P. Lazaro bilang Bilateral Relations and ASEAN Affairs.
Gayundin sin Acting Undersecretary Antonio A. Morales ng administrasyon.
Si acting Undersecretary Carlos D. Sorreta ng Multilateral Affairs and International Economic Relations.
Acting Undersecretary Jesus “Gary” S. Domingo ng Civilian Security and Consular Affairs.
At acting Undersecretary Eduardo de Vega ng Migrant Workers Affairs.