Connect with us

Mga UP student na ayaw pumasok kapag si BBM ang pangulo, hindi pipilitin

Mga UP student na ayaw pumasok kapag si BBM ang pangulo, hindi pipilitin

National News

Mga UP student na ayaw pumasok kapag si BBM ang pangulo, hindi pipilitin

Hinimok ni National Youth Commission Commissioner Ronald Cardema ang mga estudyante na iwanan na lamang ang University of the Philippines (UP).

Kasunod ito sa ginawang pahayag ng UP Office of the Student Regent na hindi na sila papasok kapag ang mamumunong pangulo ay si former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Kung ayaw po ninyo pumasok sa inyong mga klase, paki-iwan na lang po ang UP at ibibigay na lang ng gobyerno ang inyong mga government scholarship sa mas maraming mahihirap na kabataang Pilipino na gustong mag-aral sa ating State University,” ani Cardema.

 Ani Cardema, ang ipinapakitang kaugalian ng mga estudyante ng UP ay taliwas sa sinasabi nilang paglingkuran ang sambayanang Pilipino.

Ipinunto pa ni Cardema na dapat i-respeto ng mga estudyante ang binoto ng mayorya ng Pilipino.

Binoto ng sambayanan ay si Pres. Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte. So, bakit hindi natin igalang ang ibinoto ng sambayanan na gusto ninyong paglingkuran,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Cardema na hindi nito nilalahat ang mga UP student bagkus ito ay para sa UP Office of the Student regent na nanawagan na i-boycott ang mga klase.

Sinabi rin ni Cardema na hindi resonable ang panawagan na ito ng UP student bilang mga matatalinong estudyante.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top