Connect with us

Mika Dela Cruz, namigay ng face shields sa mga frontliners

Mika Dela Cruz, namigay ng face shields sa mga frontliners

Showbiz

Mika Dela Cruz, namigay ng face shields sa mga frontliners

Nag-donate si Mika Dela Cruz ng mga face shield sa mga frontliner na nakikipaglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng dating childstar ang ginawa nitong mga face shields at ibinigay ito ng personal sa mga frontliner.

View this post on Instagram

DAY 1 • hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon 🙁 nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila.. these are face shields po for protection (PPE) ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para saatin. i just wanted to give back to them in my own little way… salamat po sa sakripisyo ninyo! we appreciate each & every one of you. ingatan niyo din po ang inyong mga sarili ha? konting tiis nalang, matatapos din po ito.. SALAMAT PO SAINYO ❤️??? sa lahat po ng gustong tumulong pero hindi alam kung papaano.. marami pong paraan 🙂 pwede po kayong magdonate online sa mga official organizations para dito o kaya naman direct sa mga hospitals na. if monetary, wag kayong malula or matakot. any amount will help naman po. kahit 20pesos or 50pesos man yan may matutulungan ho kayo. pwede din po kayong mag DIY ng mga PPE or food packages para sa mga frontliners at sa mga nangangailangan. kung hindi naman po hot meals ang maipprepare kahit relief goods po ay makakatulong lalo na sa mga pamilya na walang wala talagang pambili kahit pagkain. kung talagang wala din pong maibibigay 🙂 wag po magalala.. kahit simpleng pagsspread ng awareness.. kahit simpleng words of encouragement sa mga taong hindi maganda ang kalagayan at natatakot ngayon.. kahit konting pagintindi at pagaalala po po sa ating frontliners.. kahit maisama lang natin sila sa prayers natin araw araw… may nagagawa na po tayo ? #loveinthetimeofcorona

A post shared by Mika Dela Cruz [まりこ] (@mikadlacruz) on

Ayon kay Mika, ito ang kanyang simpleng tulong upang maprotektahan ang mga frontliners sa kumakalat na COVID-19 sa bansa.

Dagdag nito, masarap sa pakiramdam at nakakataba ng puso ang pagtulong sa mga selfless frontliners na araw araw ay nakikipagsapalaran para sa atin.

“Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila..

These are face shields po for protection PPE ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para saatin.

I just wanted to give back to them in my own little way.”

Ipinamigay ni Mika ang mga face shields sa mga security guards, checkpoint personnel at maging sa mga crew ng isang fastfood chain sa Malabon.

More in Showbiz

Latest News

To Top