National News
MILF, mariing kinundena ang pagpapasabog sa Jolo, Sulu
KINUNDENA ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagpapasabog sa Jolo, Sulu.
Inilarawan ni MILF Peace Panel Chairman Mohagher Iqbal ang pag-atake na “senseless violence” na nagresulta sa pagkamatay ng dalawampu katao.
Sinabi ni Iqbal na nakahanda silang tumulong sa ikadarakip ng mga nasa likod ng insidente.
Giit pa nito, walang lugar sa sibilisadong komunidad ang criminal act.
Lalo na ngayong nagbubunga na ang kanilang pagsisikap sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Naniniwala naman si MILF Chairman Murad Ebrahim na hindi konektado sa plebesito ng BOL noong Enero 21 ang kambal na pagsabog sa Jolo.
Nagsasagawa na rin aniya sila ng sariling imbestigasyon sa nasabing insidente.