International News
Military aid mula US papuntang Ukraine, ipinahinto ni Trump
Ipinag-utos ni US President Donald Trump na ihinto muna ang shipment ng military aid mula Estados Unidos papuntang Ukraine.
Kasunod ito sa naging mainit na pagtatalo nila ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Oval Office noong February 28, 2025.
Itutuloy lang ang pagpapadala nito kung makikita ni Trump kay Zelenskyy na ninanais na nito ang pagkakaroon ng kapayapaan sa pamamagitan ng peace talks.
Sa panig ng mga analyst, kakayanin pa ng Ukraine na protektahan ang kanilang bansa sa loob ng ilang linggo ngunit kalaunan ay makikita na ang malaking epekto nito sa kanilang war-fighting capabilities.
