Connect with us

Mindanao Railway Project, walang pondo sa 2023

Mindanao Railway Project, walang pondo sa 2023

National News

Mindanao Railway Project, walang pondo sa 2023

Walang pondo para sa inaasam na Mindanao Railway Project sa 2023.

Ito ang nadiskubre sa nagdaang plenary deliberations para sa DOTr budget sa susunod na taon.

Sa pagtatanong ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman, nakuwestyon kung bakit hindi nasali ang proyekto kahit tumaas ang budget para sa rail sector.

Ngayong taon, P23.1 Billion lamang ang budget dito kumpara sa P113. Billion budget sa 2023.

Hataman:Kasama na ho ba dito ang yung Mindanao railway Madam Sponsor?

Rep. Stella Quimbo: Hindi po Mr. Speaker.

Hataman: Diba last year meron tayo? So ibig sabihin yung Mindanao railway hindi po natin pinondohan ngayong taon?

Rep. Stella Quimbo: Hindi pa po.

Giit naman ni Hataman na kung bakit walang pondo ang proyekto sa susunod na taon.

Lalo pa’t magdadala sana ito ng maraming trabaho sa mga kababayan natin sa rehiyon.

Paliwanag naman ni Quimbo, anim lamang na railway project ang mapopondohan sa susunod na taon at hindi kasama dito ang para sa Mindanao.

Nasa 102-kilometro ang haba ng proposed Mindanao Railway Project na may rutang Tagum-Davao-Digos.

Mula sa dating 3 at kalahating oras, magiging isang mahigit na lamang ang biyahe mula Tagum papunta Digos oras na matapos ang proyekto.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top