National News
Mindanawon Lawyers, dudulog sa SC vs. impeachment complaint kay VP Duterte
Dudulog sa Korte Suprema ang mga Mindanawon lawyer hilingin na ipawalang-bisa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Maghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema ang mga abogado mula Mindanao, sa pangunguna nina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, at Atty. Hillary Olga Reserva, sa Martes, Pebrero 18, 2025.
Hinihiling ng petisyon ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction upang ipawalang-bisa ang impeachment complaint laban VP Duterte.
Sasama rin sa petisyon ang mga miyembro ng Davao City Council bilang mga pribadong mamamayan, sa pangunguna ni Atty. Luna Acosta.
Layon ng petisyon na kwestiyunin ang proseso ng impeachment dahil umano sa mga paglabag sa tamang pamamaraan, konstitusyonalidad, at hurisdiksyon.
