National News
‘Mini roll-out’ para bakunahan ang mga batang edad 5-11, planong isagawa sa Pebrero
Plano ng pamahalaan na magkaroon ng “mini roll-out” simula Pebrero 1-7 upang mabakunahan ang mga bata na edad 5 – 11 taong gulang ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez, inaasahang dadating ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa mga batang edad 5-11 taong gulang sa Enero 1-31.
Planado narin aniya ang pagbabakuna sa mga bata dahil ito ang isa sa kanilang main objective dahil sa gusto na nilang magbukas ang mga paaralan at matanggal ang restriksyon sa mga bata.
Samantala, sinabi rin ni Galvez na may plano rin ang pamahalaan na tapusin ang booster vaccination ng mga 12-17 taong gulang sa kalagitnaan ng unang bahagi ng taon.
