National News
Minimum public health standards, kailangan sundin hanggang Setyembre 2022 — DILG
Dapat pa ring sundin ng publiko ang minimum public health standards kaugnay sa COVID-19 pandemic bagama’t matatapos na ang pamumuno ng Administrasyong Duterte.
Ito ang iginiit ni Interior Secretary Eduardo Año matapos sabihin umano ni Cebu Governor Gwen Garcia na may dalawang linggo na lamang ang mga nakaupong opisyal at inuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Año, kahit may dalawang linggo na lamang sila ay hindi ito ang dahilan para hindi na sundin ang batas.
Sa katunayan aniya ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic ay tatagal hanggang Setyembre 2022, alinsunod na rin ito sa Executive Order (eo) 1218.
Naniniwala si Año na mali ang sinasabi ng gobernadora na inuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask dahil inilagay pa niya ang mga ito sa panganib.
