Connect with us

Minority bloc sa 19th Congress, hindi magiging sagabal sa mga programa para sa bansa – Sen. Pimentel

Minority bloc sa 19th Congress, hindi magiging sagabal sa mga programa para sa bansa – Sen. Pimentel

National News

Minority bloc sa 19th Congress, hindi magiging sagabal sa mga programa para sa bansa – Sen. Pimentel

Inihayag ni Senator Koko Pimentel na magiging bahagi ito ng minorya ng Senado sa 19th Congress.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Pimentel na layon nitong maging balanse ang Senado.

Gayunman, nilinaw ng senador na target ng minorya ng hindi magiging sagabal sa mayorya sa pagpapasa ng mga panukalang batas na ikabubuti ng bansa.

Nagpaalala rin si Pimentel sa mayorya na sundin lang ang anumang nakasaad sa batas dahil pakikipagtulungan aniya ang mensahe ng minority bloc para sa ikauunlad ng bansa.

“Ang magiging panawagan ko sa minority sa Senate, we will not be obstructionist at wala naman akong nakikitang magiging obstructionist doon sa mga potential na minority, we will be reasonable people. Ang request lang ng minority, kasi alam namin ‘yung role namin, ‘yung role namin ay mabigyan ng buhay ang rules ng Senado. So, may rules, akala ng majority sa sobrang laki ng grupo nila, they can do anything that they want to do. Ire-remind po natin sila na may rules tayo. Sundin, natin ang ating rules, that-gaano man kayo ka-excited sa inyong panukalang batas, kailangan bigyan ng, sometimes, tatapak tayo sa break para bumagal ang takbo, ma-examine naman ng minority ang inyong mga panukalang batas at kung may ibang point of view, payagan natin na masabi, masalita ‘yung point of view na ‘yun, maging part ng recourse ng Senado or marinig ng ating mga kababayan,” ani Sen. Pimentel.

Positibo naman ang feedback ni Pimentel sa mga itinalagang miyembro ng gabinete ni President-elect Bongbong Marcos.

More in National News

Latest News

To Top