Showbiz
MISAMO sub-unit ng Twice, may comeback sa Nobyembre
Magkakaroon ng music comeback ngayong Nobyembre 6, 2024 ang MISAMO o ang Japanese sub-unit ng K-Pop girl group na Twice.
Ang magiging pamagat ng kanilang 2nd mini album ay “Haute Couture”.
Ang naturang album ay magkakaroon ng iba’t ibang album variants na maglalaman ng pito hanggang sampung kanta.
Sa solo album versions naman ay maglalaman ito ng solo songs ng sub-unit members na sina Mina, Sana, at Momo.
Kasabay ng music comeback ay magkakaroon rin ng Japan tour ang tatlo.
Hulyo 2023 nang unang ini-release ng MISAMO ang kanilang 1st 7-track album na may pamagat na “Masterpiece”.