Connect with us

Miss World coronation, ipinagpaliban

Coronation ng Miss World, ipinagpaliban

Showbiz

Miss World coronation, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ang Miss World coronation ngayong araw dahil sa banta ng COVID-19.

Kasunod ito sa pagpopositibo sa COVID-19 ng 17 kandidata bago ang coronation night.

Ayon sa pamunuan ng Miss World, ang naturang hakbang ay para maprotektahan ang iba pang contestant, staff, crew at ang publiko laban sa pandemya.

Nakatakda namang ibalik ang naudlot na skedyul matapos ang siyamnapung araw sa Puerto Rico Coliseum Jose Miguel Agrelot.

Isasailalim din ang iba pang nga kandidata at mga staff sa quarantine at COVID-test.

Titiyakin din ng Miss World Organization na papauwiin nila sa kani-kanilang mga bansa ang mga nahawa sa virus kung magiging maayos na ang kanilang kalagayan.

Samantala, ligtas naman mula sa COVID-19 ang namamayagpag na si Miss World Philippines Tracy Maureen Perez.

 

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top