Connect with us

Miyembro ng communist terrorist, patay sa engkwentro sa Surigao Del Sur

Patay ang isang miyembro ng communist terrorist group matapos makaengkwentro ang militar sa Madrid, Surigao del Sur.

National News

Miyembro ng communist terrorist, patay sa engkwentro sa Surigao Del Sur

Patay ang isang miyembro ng communist terrorist group matapos makaengkwentro ang militar sa Madrid, Surigao del Sur.

Sa ulat ng 36th Infantry “Valor” Battalion, nakaharap nila ang tinatayang 12 communist terrorist na pinamumunuan ni Noel Tumarlas Alacre matapos matunton ang pansamantalang pinagtataguan ng mga ito sa tulong ng isang sibilyan.

Agad namang tumakas ang mga kalaban at iniwan ang namatay nilang kasamahan.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, magazine, medical supplies, dokumento at iba pang gamit.

Muling nanawagan ang militar ang natitirang communist terrorist na ibaba na ang kanilang armas at bumalik sa gobyerno lalo’t may nakalaan sa kanilang programa tulad ng Enhanced Comprehenisive Local Integration Program (E-CLIP).

More in National News

Latest News

To Top