Connect with us

Miyembro ng CPP-NPA, napatay sa Lanao Del Sur; high-powered firearms, nasamsam

Miyembro ng CPP-NPA, napatay sa Lanao Del Sur; high-powered firearms, nasamsam

Regional

Miyembro ng CPP-NPA, napatay sa Lanao Del Sur; high-powered firearms, nasamsam

Napatay ng militar ang miyembro ng CPP-NPA matapos ang engkwentro sa Amai Manabilang, Lanao del Sur.

Ayon kay Major Alex Mindalano, tagapagsalita ng AFP Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM), nagsasagawa ng focused military operations ang 1st Special Forces Battalion nang maka-engkwentro ang tinatayang 50 communist terrorist

Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang communist terrorist.

Habang nasamsam ang M60 general purpose machine gun, M4 rifle, M16 rifle, M14 rifle, M1 garand rifle at war material

Muling naman nanawagan si AFP EASTMINCOM commander Lieutenant General Greg Almerol sa natitirang communist terrorist na magbalik-loob at tanggapin ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

More in Regional

Latest News

To Top