Connect with us

Miyembro ng Daulah Islamiyah, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Patay ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group matapos makaengkwentro ang militar sa Ampatuan, Maguindanao.

Metro News

Miyembro ng Daulah Islamiyah, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Patay ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group matapos makaengkwentro ang militar sa Ampatuan, Maguindanao.

Sa ulat ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom), kinilala ang nasawi na si Khamhed Akan Kambal, alyas Mheds, bomber ng grupo.

Habang nahuli ang isang miyembro ng DI-Hassan na kinilala si Nasrudin Sali Blah na agad itinurn-over sa pulisya.

Nagsagawa ng focused military operation (FMO) ang 40th Infantry Battalion bilang tugon sa natanggap na ulat tungkol sa masamang plano ng Daulah Islamiyah laban sa Community Support Program-Preventing Countering Violent Extremism (CSP-PCVE) teams sa lugar.

Partikular na nakaharap ng militar ang DI Islamiyah-Hassan na pinamumunuan ni alyas Alpha King.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang cal. 45 pistol, dalawang improvised explosive devices (IEDs), explosive components, personal na gamit at propaganda materials.

More in Metro News

Latest News

To Top