Regional
Miyembro ng Dawlah Islamiyah, arestado sa isinagawang counterterrorism operation sa South Cotabato
Sa pangunguna ng Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) ng South Cotabato naaresto ang 1 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group.
Ang pagkakaaresto dito ay bahagi ng counterterrorism operation sa pamamagitan ng pagsisilbi ng Warrant of arrest kay Jaffer Mariano sa Barangay Lapu, Polomolok South Cotabato.
Si Mariano ay nahaharap sa kasong Murder, Attempted Murder, Frustrated Murder sa ibat-ibang lalawigan tulad ng South Cotabato, Tacurong City sa Sultan Kudarat at sa Saranggani.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na seryoso ang PNP-SAF kasama ang iba pang Law Enforcement Agencies na matapos na ang terorismo sa rehiyon.
