Connect with us

‘MKK=K Program’, bubuhayin ng PNP

That every citizen may abide by ordinances as simple as: walang inuman sa kanto, walang nambabastos sa mga kababaihan,

National News

‘MKK=K Program’, bubuhayin ng PNP

“That every citizen may abide by ordinances as simple as: walang inuman sa kanto, walang nambabastos sa mga kababaihan, walang mandurukot at walang maingay sa mga kabahayan pagkalipas ng alas diyes ng gabi,” ani PGen. Rodolfo Azurin Jr., chief, PNP.

Isa lamang ito sa marching order ngayon ng bagong upong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Rodolfo Azurin Jr., sa muling pagsasabuhay ng sinimulan nitong program sa Region 1 na “MKK=K Program”

Ayon kay Azurin, titiyakin nito na magiging makabuluhan ang kanyang pamumuno sa PNP sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa partikular na sa mga barangay.

Nakapaloob sa “MKK=K” framework ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran.

Sinasalamin dito ang malasakit sa buong hanay ng kapulisan para i-address ang external and internal issues ng organisasyon.

Kasama na rito ang maayos na relasyon ng PNP sa mga komunidad at iba pang ahensiya ng pamahalaan at muling kumbinsihin ang publiko na ang mga pulis ay handang rumisponde sa anumang oras ng pangangailangan.

“The “Malasakit Program” aspires to address the external and internal issues of the organization. The first challenge is for every police officer to convey that we are sworn to serve and protect our community. Thus, the PNP must nurture harmonious relationships with all sectors, to be able to address the peace and security of each community. Dapat maniwala ang taumbayan na ang kanilang pulis ay handang rumisponde sa anumang oras ng pangangailangan,” dagdag pa ng PNP chief.

Ang “Kaayusan Program” ay kumakatawan naman para sa istriktong pagpapatupad at pagsunod sa umiiral na batas, kung saan istriktong ipatutupad dito ang 10:00 pm curfew hours sa buong bansa upang maiwasan ang mga pag-iingay, inuman sa kanto at iba pang uri ng kriminalidad.

Ipatutupad rin dito ang istriktong internal cleansing sa PNP at pagrebyu sa mabilis na dismissal, suspension at demotion ng PNP personnel na mapatutunayang guilty sa mga administrative charges o mga kinasasangkutan nitong katiwalian.

Ang “Kapayapaan Program” ay tumutukoy naman sa pangkalahatang kapayapaan sa bansa, kasama na ang pakikipagtulungan nito sa Armed Forces of the Philippines at higit sa lahat ang maayos na koordinasyon nito sa implementasyon ng Executive Order no. 70 National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa tuluy-tuloy na kapayapaan sa Pilipinas partikular na sa laban ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF.

“In partnership with the Armed Forces of the Philippines (AFP), and various clusters of Executive Order no. 70 NTF ELCAC – or the National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict,  the PNP shall continue this endeavor with more vigor and enthusiasm and shall ensure that all barangay development programs shall reach its completion, by providing security to its implementers,” saad pa nito.

Habang ang “Kaunlaran Program” ay magsisilbing bunga ng maayos at payapang pagpapatupad ng mga batas at seguridad sa bansa.

Isang magandang halimbawa rin anila ito para mas dumami pa ang magtiwala sa Pilipinas partikular na sa mga turista at mga mamumumuhunan sa bansa.

Sa huli, umaasa ang PNP na makikipagtulungan rin ang publiko sa kanilang programa para sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa at tuluyang maiangat ang estado ng PNP bilang respetadong ahensya ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top