Connect with us

MMDA Chair Abalos, pinangunahan ang clearing operations sa EDSA-Balintawak

Maagang tinungo ngayon ni MMDA Chair Benhur Abalos ang Balintawak market sa  EDSA para pangunahan ang clearing operation sa lugar.

Metro News

MMDA Chair Abalos, pinangunahan ang clearing operations sa EDSA-Balintawak

Maagang tinungo ngayon ni MMDA Chair Benhur Abalos ang Balintawak market sa  EDSA para pangunahan ang clearing operation sa lugar.

Image may contain: one or more people, people standing, table, outdoor and food

Sa kanyang inspection kanina, wala naman siyang nakitaang problema maliban na lamang sa mga basurang nagkalat at ilang mga bicycle na nakapark sa tabing daanan.

Image may contain: one or more people

Isa rin kasing  tinitingnan na  problema sa Balintawak-EDSA ay ang mabigat na daloy ng trapiko partikular na sa gabi hangang sa madaling araw.

Image may contain: one or more people, people standing, shoes and outdoor

Aminado din si Abalos na nahihirapan siya bilang chairman ng MMDA para malutas ang problema sa trapiko sa naturang kalsada.

Image may contain: one or more people and people standing

Sa ngayon isa sa mga tinututukan ngayon ng ahensya ay masolusyanan na ang U-turn slot sa Balintawak na siyang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko.

Para kay Abalos malaking bagay ang pakikipagtulugan ng mga alkalde sa buong kalakhang Maynila upang malutas ang mga suliranin lalo na sa usaping pang trapiko.

Pinapasalamatan din ng MMDA ang Quezon City government  dahil sa ₱100 milyong donasyon nito sa ahensya para masolulusyunan ang U-turn slot sa Balintawak- EDSA.

Image may contain: one or more people, people standing, people walking and outdoor

 

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top