Connect with us

MMDA clearing group, aprub sa panukalang ‘Walang Garahe, Walang Bagong Sasakyan’

MMDA clearing group, aprub sa panukalang 'Walang Garahe, Walang Bagong Sasakyan'

National News

MMDA clearing group, aprub sa panukalang ‘Walang Garahe, Walang Bagong Sasakyan’

Hindi na bago sa Metro Manila lalo na sa kahabaan ng EDSA at ilan pang major roads sa rehiyon ang matinding pagsisikip ng traffic.

Iba’t ibang paraan na ang ginawa ng pamahalaan partikular na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ito.

Paglilipat ng bus lane mula sa outermost lane ginawa na itong innermost lane, pagbabawal na sa mga provincial bus na pumasok sa edsa maging ang pag-alis sa mga bus station sa kahabaan ng EDSA.

Umabot na rin sa punto na naging laman pa ng 2 SONA ni Pang. Rodrigo Duterte ang pag-uutos sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng DILG na linisin ang mga lansangan at sidewalks mula sa mga illegal structure, illegal parking at iba png obstruction.

Pero marami pa rin sa mga motorista ang nagiging pasaway pa rin.

At kita pa rin ang tindi ng trapik pero kumpara noon ay bahagyang bumuti na ngayon.

Pero para sa isang mambabatas ay kulang pa rin ito.

Kamakailan lang ay inihain ni Marinduque Rep. at dating House Speaker Lord Alan Velasco ang panukalang “no Garage No Registration Act” na anya’y makakatulong na maibsan pa ang problema sa trapiko hindi lang sa Metro Manila pati na rin ang mga malalaking siyudad sa bansa.

Sa ilalim ng kanyang panukala ay hindi na pahihintulutan na makapagmay-ari ng bagong sasakyan ang isang indibidwal hangga’t wala itong garahe para maging parking space nito.

Kung ito’y maisasabatas, maiiwasan nang maging parking space ng publiko ang mga kalsada na tapat ng kanilang bahay.

Makakatulong ito upang mapagaan ang pagbabiyahe ng mga motorista kung sila ay gagamit sa mga alternatibongmga ruta o kalsada.

At para kay MMDA Task Force Special Operations (TFS) and Anti-Colorum Unit head Bong Nebrija, malaking tulong aniya ang anumang uri ng batas na makatutulong para mapagaan ang daloy ng trapiko sa bansa.

Maging ang panukala ni Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr. na ipagbawal ang paggamit sa mga sidewalk mula sa mga vendor, paparada rito, magtatagay at iba pa na haharang sa mga pedestrian.

Binigyang diin din ni Nebrija na may kapngyarihan naman talaga ang mga lokal na pamahalaan para sa paglilinis mula sa mga obstruction ang mga kalsada na kanilang nasasakupan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang ginagawang araw-araw na kaliwa’t kanang clearing operations lalo nat papalapit na rin ang pag-uumpisa ng face to face classes ng mga paaralan.

 

More in National News

Latest News

To Top