Connect with us

MMDA, magbibigay ng P10K pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa lalaking nagpanggap na MMDA Enforcer

MMDA, magbibigay ng P10K pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa lalaking nagpanggap na MMDA Enforcer

National News

MMDA, magbibigay ng P10K pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa lalaking nagpanggap na MMDA Enforcer

Magbibigay ng P10K pabuya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sinumang makapagbibigay ng pangalan at tirahan ng lalaking nagpanggap na enforcer ng MMDA.

Ayon sa ahensya nakatanggap sila ng reklamo na 1 lalaki ang nanghuhuli ng mga motoristang lumabag sa batas trapiko at nangingikil.

Sa post ng 1 netizen nagpakilala ang lalaki na kawani ng MMDA subalit nang hanapan ng ID ay bigla na lamang itong umalis subalit nakunan naman ng video ang kanilang pag-uusap.

Sa beripikasyon ng ahensya lumalabas na hindi empleyado ng MMDA ang lalaki.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa nasabing lalaki.

More in National News

Latest News

To Top