Metro News
MMDA, nagbabala sa laban sa mga traffic violators sa kalagitnaan ng ECQ
Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga traffic violators sa kalagitnaan ng umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, nakahuli sila ng 10 driver noong kalagitnaan ng Semana Santa na nagkakarera sa kalsada sa bahagi ng Quezon City.
Ani Pialago, nabigyan na nila ng citation ticket ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko dahil sa car racing.
Dagdag pa ni Pialago, dahil sa maluwag ang mga kalsada ngayon ay marami sa mga motorista ang nago-overspeed na maaaring maging sanhi ng aksidente.
Sinabi naman ng tagapagsalita na kahit nasailalim sa ECQ ang Metro Manila ay may mga tauhan pa rin ang MMDA na nagbabantay sa mga kalsada upang matiyak na nasusunod ang batas trapiko.