COVID-19 UPDATES
MMDA, nagtayo ng decontamination tents kontra COVID-19
Nagtayo ng mga decontanimation tents ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t-ibang health centers at government offices sa Metro Manila.Batay sa inilabas na pahayag ni MMDA Chairman Danilo Lim, ang pagtatayo ng mga decontamintaion tents ay upang mas mapaigting pa ang preventive measures kontra COVID-19.
“It aims to decontaminate and disinfect health workers, frontliners and everyone visiting the hospitals and government offices to help contain the entry and spread of covid-19,” pahayag ni Lim.
Noong Abril 6, nakapagpatayo na ang MMDA ng decontamination tents sa Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, Malacañang Palace, Department of Health-Central Office sa Tayuman, Department of Social Welfare and Development (DSWD)-National Relief Operations Center sa Pasay at isang DSWD satellite office sa Commonwealth, Quezon City.
Dagdag pa ni Lim, plano pa ng MMDA na dagdagan pa ang mga decontamination tents sa mga pangunahing pagamutan sa Metro Manila.
Una nang nakapagtayo ng decontamination tents ang MMDA sa mismong base nito katuwang ang Sanitary Anti-Viral Entry Point o Saverpoint alinsunod sa pinaiiral na enhanced community quarantine.